Thursday, December 08, 2005

Bakit Grin ang Apol?

Bakit nga ba applegrin? ano ba ang kulay ng utot?

Eto na naman ang pinakabagong kabanata, ang pagbabalik ng nakangising mansanas. Ewan ko ba kung bakit yan ang naisip kong gawing title ng blog na ito, siguro dahil walang sense naman ang mga nakasulat dito, eh di ang title wala ding malalim na kahulugan. Sa totoo lang, wala naman talagang napakalalim na ibig sabihin ang apple grin, para rin itong bluetooth na sabi nila ay ipinangalan ng inventor ng bluetooth technology mula kay Harold 1 of Denmark na kilala din sa pangalang King Harald Blatant o Bluetooth, bakit siya binansagang bluetooth? kasi daw mahilig siya kumain ng blueberries kaya blue yung teeth niya, weee natanong na rin yan sa "Pilipinas Game KNB?" May tama ka! ang apple grin naman ay nanggaling sa green apple na kinain ko habang gumagawa ng bagong blog, napangisi ako at tinayp ko sa blogger ang applegrin, hindi green ang ngipin ko ha.

may old joke ako:
ano kulay ng utot kapag babae?
PINK
ano kulay ng utot kapag lalake?
BLUE
ano kulay ng utot kapag busog?
(bilisan ang pagbigkas, pagalit!) BLACK!