Finding Fortune
in a cookie?
Hmn.. interesting. Napabili tuloy ako, sa halagang limang piso pwede mong makita mo ang swerte mo sa loob ng tinapay kesa nga naman pumunta ka pa ng quiapo o hagilapin si madam auring para magpahula, sa ministop mabibili na ang swerti. Excited akong makita kung ano ang laman ng fortune cookie na ito, makakahanap ba ako ng mas magandang trabaho? magkakaroon ba ako ng negosyo? mananalo ba ako sa lotto? kikita ba ako ng malaki sa google? may traydor ba akong kaibigan? natural, hindi yan mahuhulaan ng panadero ng gold coin cookie. Ano kaya kung sa pagbukas ko ng cookie na ito ang mababasa ko ay "You are so lucky today because you are eating the best-tasting cookie in the whole wide world!", ayus dinaig ang chips ahoy sa caption. Bago ko kagatin ang cookie para masilayan ko na ang swerte ko ngayong araw na ito, naisip kong piktyuran muna para mailagay dito sa blog, at ayan nga. Masarap yung cookie, barquillos pala ito na nilapirot at hindi pahaba, ayan! hawak ko na ang aking swerti.

Do not fret. The future brings endless possibilities.
Oo nga, posibleng after nito ayoko na bumili ng fortune cookies.
1 Comments:
parang poo ang itsura o
Post a Comment
<< Home