Tuesday, January 31, 2006

Paano ba?

Minsan na akong tinanong ng kaibigan ko kung mataba na daw ba siya sobra, sabi ko "tama lang bagay naman sayo katawan mo e" sabi ko. Pero syempre hindi pa din siya tumigil sa pagseself-pity niya. Habang nakasakay sa jeep byaheng cubao-divisoria, nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa may ilalim ng LRT habang traffic. Then the bell rings! *tinginingining* parang mala hello! ka ernie serye sa radyo ang sumunod na lumaro sa isip ko.

Dear ate apple,
Feeling ko po mataba na ako pero sabi ng mga kaibigan ko, sexy pa din daw ako. paano ko po ba malalaman na mataba na ako?

labyu,
sheira of qc
-------------------
Dear sheira of qc,
Kumusta naman ang diet mo? Baka hindi mo napapansin na nakatatlong bandehado ka na pala ng kanin at tatlong order ng ulam dahil busy ka kakadaldal habang kumakain ka. Siguro nasasabi ng kaibigan mo na sexy ka pa din dahil pinauutang mo siya palagi o kaya naman ayaw niyang masaktan ang kalooban mo, pero its good to know na concious ka sa health mo (eherm). Naisip kong bigyan ka ng konting tips kung paano mo malalaman na tumataba ka na o mataba ka na nga.

Una, Tiyan, yan ang pinakaunang lumalaki kapag tumataba ang tao. Kung nagkakasya pa din sayo ang mga pants mo, stretchable ang binili mo kaya hindi masyadong malaki ang problema mo sa una. Kung tanga ka pa din at di mo maamin sa sarili mo na malaki na ang tiyan mo, subukan mong tumayo ng diretso, relax ka lang, wag pigilin ang hininga at wag iipitin ang tiyan. Silipin mo ang paa mo, kapag mga daliri na lang ang nakikita mo kailangan mo ng mag-gym at magdiet.

Pangalawa, Braso, kasunod ng tiyan, yan ang sunod na lolobo. Kung araw-araw mo nakikita sa salamin ang katawan mo hindi mo agad mapapansin ang pagtaba mo. Ang gagawin mo, umupo ka sa isang malambot na sofa tapos yakapin mo ang sarili mo, natatakpan dapat ng braso mo ang dibdib mo, kung hindi umabot sa may singit ng kilikili mo ang mga kamay mo, yung tipong nakasuksok sa pagitan ng braso at katawan mo yung kamay mo, naku day! mag-taebo ka na. :)

Next question pls...

______________________________________
p.s. condolence to the family of the late mr. ernie baron, upon hearing the news about it i felt sad sa totoo lang medyo teary eyed ako nung nakita ko yun sa tv, nakalakihan ko na kasi si ka ernie. ang nasabi ko na lang "ka ernie, send my hellos to my mother..."